Friday, June 19, 2009

June 23 Agenda

  • NSTP - Walang klase dahil bahagi ako ng lupon na uupo
    na mag-gagrado sa ikalawang grupo ng mga aplikanteng
    guro na tatapat sa oras ng klase natin. Sa halip ay
    pagtuunan ng pansin ang 2 rekisitong dapat ninyong
    tapusin (haiku, repleksyon sa nakaraang DevStud orientation).

  • DS 123 - Walang klase dahil sa nabanggit sa itaas at para
    mas mapaghandaan natin ang DALUYONG practicum
    conference. Sa halip, basahin ang dalawang ito:
    Eat food =
    http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=20080801-151937
    Nutritionism =
    http://services.inquirer.net/print/print.php?article_id=151481
    Kapwa natin tatalakayin ang 2 artikulong ito ni M. Tan
    sa pagbabalik natin sa silid. Bahagi pa rin ito ng ating
    paksang Health and Society: Philippine Experience.

  • DS 127 - Walang klase. Sa halip ay gumawa ng mga
    book mark na inyong ipamamahagi sa DALUYONG
    bilang tulong at pakikiisa sa mga DevStud senior.
    Ang siping ito ang gagawan ninyo ng book mark:
    "Courage to the last breath makes
    the martyr live beyond death." - JMS
    Maging malikhain sa disenyo pero tiyaking
    angkop ito sa tema ng Daluyong. Malinaw pa rin
    dapat na mababasa
    ang mensahe at hindi magastos.
    Bumuo grupo na may 4-5 myembro.
    Ang bawat grupo ay inaasahang makakapagpasa
    ng 25-30 bookmark. Ipasa ang mga book mark
    kay Janno Onanad sa Martes.

  • Econ 151 - Basahin ang Overview of Public
    Fiscal Administration
    ni Cuaresma, NCPAG.
    May kopya akong ipapahiram sa inyo.
    Maaaring gawing 5 ang Q&A sa tinatapos ninyong
    praymer kung nahihirapan kayong bumuo ng
    diskurso sa 3 Q&A lamang. Ipasa ito anumang
    oras sa Martes sa jnponsaran@yahoo.com.
    Walang attachment pakiusap.

DS 141 health infographics

Form a group with three (3) members. Since we are 41 in our section, one group will work as a pair. Produce an infographic based on your cho...