Monday, July 27, 2009

random thoughts

  • "Hustong sukat, siksik, liglig at umaapaw." Ito ang kakatwang anunsyo ng isang sand and gravel supplier sa Cavite.
  • Nauuso ang isang sapin sa paa na ang disenyo ay ang bandila ng Pilipinas. Malinaw na ito ay paglabag ito sa Flag and Heraldic Code ng bansa.
  • Ang pinakamasahol na pagturing sa watawat ng Pilipinas ay nakita ko sa syudad ng Pasay kung saan ang gulagulanit na simbolo ay ginamit panaklob sa umaalingasaw na basura sa bangketa.
  • "Moreboro" ang sagot ng isang mamimili sa tanong ng tindera kung anong sigarilyo ang bibilhin niya. Ang ibig daw sabihin nito ay pwedeng anuman sa More o Marlboro ang ibigay sa kanya.

Booklet

Pages 1. alternative book cover 2. table of contents 2. definition of terminologies (5 entries) 3. social calligram (3 entries) 4. political...