- Kung may trapo (traditional politicians), mayroon ding mga trabu (traditional bureaucrats). Ang mga trapong natapos ang termino at naitalaga ng pangulo sa mga kagawaran ay nagiging trabu. Samantalang ang mga trabung sumasabak sa eleksyon kapag nanalo'y nagiging trapo.
- I-google at basahin ang Imeldifikong dehistorisasyon.
- Dahil sa nakaraang delubyo ay lalong lumaki ang pagkakautang ng maraming tao sa iba't ibang institusyong pananalapi. Ginawa pa nga itong biro ng iba. Sila raw ay taga-London. Loan dito. Loan doon.
- I-google at basahin ang Sa LBC ba o sa Post Office?
- Sa pinakabulnerableng kondisyon ng masa (tuwing may kalamidad o digmaan halimbawa) nananamantala ang mga oportunista (imperyalistang bansa, korporasyon, politiko at iba pa). Feeding off other people's misery, ika nga. Disaster capitalism ang tawag dito ni Naomi Klein.
- Lumalaganap ang disaster at grief tourism sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay isang di-kumbensyunal na turismo kung saan ang sadya ng mga turista'y makiusyoso o makita ang epekto ng sakuna o kaya'y makidalamhati sa mga biktima.
Wednesday, September 30, 2009
random thoughts
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...