- Sa susunod na semestre, talinum (Philippine spinach) naman ang aking papalaganaping itanim ng aking mga mag-aaral.
- Mahusay ang nakaisip na pagsama-samahin ang mga kababaihan sa hanay ng mga kandidato ng partido Nacionalista sa halalang pambansa. Kataka-takang hindi matapatan ng kampo ni Noynoy ang sigasig at pagkamalikhaing ito gayong napalilibutan siya ng mga galing sa creative industry.
- Ang semestreng ito ang may pinakamaraming dating mag-aaral na nagpagawa sa akin ng recommendation letter para mag-aral ng masterado. Araw-araw pang nadadagdagan.
- Dalawang bagay ang tinging kong mahalaga sa pagbuo ng exhibit na may adbokasiya:
Una, dapat nitong mapukaw ang kamalayan ng mismong bumuo ng exhibit at maging ng mga tagamasid nito.
Ikalawa, dapat ay maging unang hakbang ito sa pagmomobilisa tungo sa makabuluhang panlipunang pagbabago. - Kapansin-pansing napakahina ng hanay ng mga kandidato ng partido Lakas-Kampi-CMD sa pambansang halalan. May 3 dahilan: Una, walang marangal na tao ang gustong maidentipika kay Gloria. Ikalawa, mas pinaglalaanan nila ng suporta ang lokal na halalan partikular ang mga kakandidato sa Mababang Kapulungan upang tiyakin manatili ang kanilang dominasyon sapagkat titiyakin din nitong maging speaker ang kanilang amo. Pangatlo, maaaring may mas masahol na balak ang mga kasalukuyang nasa poder.
Wednesday, March 17, 2010
random thoughts
DS 141 topics
1. conventional medicine and Cuban social medicine 2. primary health care, secondary health care and tertiary health care 3. germ theory and...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Topics 1. economics of agriculture 2. politics of agriculture 3. political economy of agriculture 4. geography of agriculture 5. psychology...