Tuesday, April 06, 2010

Forwarded text joke


1 x 2


Nakatagpo ng lampara ang isang mangingisda sa laot. Kanya itong hinimas at tulad ng kanyang napapanood sa pelikula may lumabas na genie. Bilang gantimpala, pinagbigyan siya ng 3 kahilingan. Pero nagbabala ang genie na ang bawat kahilingan n'ya ay laging tatamasain ng doble ng mangkukulam na si Gloria. Ito kasi ang naging kondisyon ni Gloria nang nagtagisan sila ng kapangyarihan na ikinatalo ng genie.
Sumang-ayon naman ang masa.

Genie: Bueno, ano ang una mong kahilingan?
Masa: Isang malaking bahay!

Genie: Masusunod pero tandaan mong 2 ang katumbas nito pabor kay Gloria.
Masa: Nauunawaan ko po.

Genie: Ano ang ikalawa mong kahilingan?
Masa: Isang malawak na palaisdaan!

Genie: Masusunod pero dalawang beses ng laki nito ang tatamasain ni Gloria tandaan mo!
Masa: Walang problema.

Genie: Ano ang iyong ikatlo at huling kahilingan?
Masa: Gusto kong i-donate ang isa kong kidney sa nangangailangan! Okay go go go!!!

DS 141 photo voice instructional video

Form a group of five members. Produce a 4-minute instructional video about photo voice as applied to a particular health sector of your choi...