Sunday, April 04, 2010

random thoughts

  • Maraming salamat sa mga dating mag-aaral na tumugon sa panawagan kong magmungkahi ng mga kaugnay na konsepto at usapin na maaaring idagdag sa aking mga talakayan sa klase sa susunod na semestre.

  • Narito ang depinisyon ni S. Monsod ng kaunlaran: "Development is growth plus equity. Growth that is pro-poor, pro-jobs, pro-nature, pro-women."*

  • Sa mga magsisipagtapos: Mahigpit ang kompetisyon sa empleyo. Maghanda para rito. Kailangan ng maayos na disposisyon, plano, diskarte at CV.

  • Isang dating mag-aaral ang pinasalamatan ko sa malaking naiambag n'ya sa pagpapanday ng kamulatan ng mga kapwa n'ya mag-aaral at maging naming mga guro. Narito ang mapagkumbaba n'yang tugon: "Salamat po. Dialektikal naman po ang lahat gaya ng napag-aralan natin. Nauna po akong natuto sa inyong mga guro ko. Ngunit higit pa, natuto tayong lahat sa masa."


    ___________________________
    *ipinadala sa pamamagitan ng text message

DS 141 topics

1. conventional medicine and Cuban social medicine 2. primary health care, secondary health care and tertiary health care 3. germ theory and...