Wednesday, October 24, 2012

random points (sembreak mode)

  • Sang-ayon ako sa opinyon ng isang mag-aaral sa ika-apat na taon na hindi "hell week" ang kanilang pinagdaanan kamakailan kundi "hell month".
  • Biro ng isang mag-aaral sa kanyang sarili: "Sir, akala ko Pilipinas lang ang underdeveloped. Pati po pala lovelife ko."
  • Sa itatanghal na cultural fest sa susunod na semestre, abangan ang haiku battle nina Saqueton at Deanon, speedstacking re-match (ang paghihiganti edition) nina Renticruz at Mungcal, storytelling nina Naco at Montoya.  Bangungot vs. Urban Legends edition  :)
  • Pagbati sa mga mag-aaral na may pinakamaraming naimbak na puntos sa klase nang nakaraang semestre:
    -NSTP (Carillo, Deanon at Villarda)
    -DS 127 (Dabalos, Richard Reyes at Arboneda)
    -DS 126 (Jewelle Santos at Jison)
    -DS 123 (Doctor at Julao)
    -Econ 115 (Julao, Arceo, Magtalas at Pojas)
    -DS 121 (Valero)
  • Sa susunod na semestre, sinu-sino naman kaya?
    NSTP 2 - ?
    DS 100 - ?
    DS 112 - ?
    DS 123 - ?
  • Mga kumakalat na political joke:
    -Dati para makatakas sa kaso, ang sasabihin ng nasasakdal ay "talk to my lawyer."
    Ngayon, "talk to my doctor."
    -Kung dati ay mga matutuling kotse ang gamit ng mga kawatan para tumakas, ngayon ay mas malikhain at mapanlinlang na ang gamit nila: wheelchair.
  • Batay sa aking mga nakalap na datos, narito ang mga kasalukuyang larangan na tinatahak ng mga nagsipagtapos noong Abril 2012 sa Araling Pangkaunlaran:
    Local government
    Media
    Policy development research
    Health research
    Environmental research
    Transnational crime research
    Human resource development
    International studies
    Medical studies
    Financial institutions (banking)
    Stock market
    Real estate
    Sale/Production management



DS 126 (7 Ms poster exhibit for DSS Week 2025)

Kindly refer to the Google Drive provided in our FB group (divided between PS and DS). Check if your haiku entry/entries qualified for the p...