Saturday, December 22, 2012

random points (relax mode)

  • Pechay at mustasa invasion ngayon sa aking vegetable garden.  May naka-iskedyul daw na pagbisita rito sina RRTCTR : )
  • Inay "Rehente" Guiyab, mag-ingat sa mga "kalaban" sa kagubatan : )
  • Salamat sa mga regalo lalo na sa puting T-shirt...Noel...Noel...Noel...Jorell...
  • Abangan sa Pebrero ang binubuo ng klase ni Doc Ed na  musical play ukol sa buhay at pakikibaka ni Prop. Maita Gomez.
  • May natanggap akong tanong mula kay Poy at Ariza sa pamamagitan ng text kung UP Manila DevStud daw ba si senatoriable Grace Poe Llamanzares.  Agad ko itong inalam kay Prop. Simbulan.  Ayon sa kanya ay naging mag-aaral nga siya ng kurso at sa katunayan ay thesis advisee pa nga niya. Tiyak na ang pangalan niya sa balota ko at ni misis.
  • Para sa lahat:  Maligayang Pasko na nakabatay sa katarungan!