Monday, September 23, 2013

Papel natin at ng gobyerno

May nakasabay ako sa jeep na isang batang mag-aaral. Ingat na ingat niyang tangan ang dalawang piraso ng bond paper na nakasilid pa sa plastik labo. Palagay ko ay binili niya ito ng tingi sa palengke sa bayan at malamang para ito sa isang rekisito sa klase. Napaisip tuloy ako kung gaano niya kaingat itong gagamitin para huwag magkamali at hindi maaksaya. Nakakalungkot dahil laganap ito sa maraming mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Dalawang aral mula sa tagpong ito - Huwag tayong maaksaya sa papel na kadalasan ay binabalewala lang natin (micro) at dapat isulong ang kritikal na reporma sa sistema ng pambansang pagbabadyet upang maging sustenable, etikal at demokratiko (macro).

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...