Friday, April 25, 2014

Tagubilin

- Sa dami ng nagsipagtapos, dapat maagap sa paghahanap ng trabaho.
- Epektibo lamang ang pag-aaral ng masterado kung may katambal na karanasan.
- Tiyaking may handa kang maikling paliwanang (4-5 pangungusap bawat isa) kung ano ang iyong kurso, practicum at thesis para maging handa sa iyong isasagot sa panayam.
- Para sa mga naghahangad maging mananaliksik, dapat mayroon kang handang portfolio ng iyong mga nakaraang akda at pananaliksik.
- Ayon sa isang propesor sa Agham Pampolitika, kapwa mahalaga ang skill (kasanayan) at will (motibasyon) sa pagtatrabaho.  Ngunit, ayon sa kanya, mas mahirap hubugin ang ikalawa.
- Laganap ang Mcjobs.  Iwasan ito sa lahat ng pagkakataon.
- Masaya ka sa trabaho mo kung hindi mo kinaladkad ang sarili mo pumasok araw-araw.
- Ang perang pinaghirapan ay dapat responsableng pinapamahalaan.
- Job enrichment vs job enlargement = Bulnerable ka kapag hindi mo alam ang kaibahan.

#albert, may TREBaho ka na ba?
#35T

DS 112 e-booklet project based on the chosen book from the library (December 5)

   Convene the members of your book project. Be sure that you have read and studied your chosen material. Submit an e-booklet featuring/insp...