Wednesday, June 18, 2014

Uno para kay Therese

Paumanhin kung mala-guro pa rin ang pahayag na ito.
Pero tiyak ako, sa ipinamalas na husay at dedikasyon ni Therese sa nakaraang tatlong klase namin, ay magiging 1.0 muli siya sa DS 121 ngayong papasok na semestre.
Subalit, maliban sa grado, kaalaman at kasanayan,  kapwa rin o kung hindi man ay pinakamahalaga ang karakter - tatlong bagay na taglay ni Therese na sana ay magagamit niya sa kanyang pagiging alagad ng kaunlaran sa hinaharap.
Maaga man siyang lumisan, tiyak na hindi masasayang ang mga ito dahil magsisilbi siyang inspirasyon para pamarisan ng marami.
At habang kasama namin sa programa ang kanyang mga kamag-aral at kakurso, magiging parang kasa-kasama rin namin siya sa klase at sa iba pang makabuluhang larangan ng buhay.
Salamat at pagpupugay kay Therese...