Tuesday, June 02, 2015

CV tips

- Kung gagamit ng larawan, pumili ng maayos. Please.
- Ito ang tamang paraan ng paglalatag ng cell number 0917-xxx-xxxx. #chunking
- Nasa dulo dapat ang personal information.  Hindi interesado ang kumpanya sa pangalan ng mga magulang mo.
- Huwag paglaruan ang underline, bold at italics.  Gamitin ang mga ito ng tama, hindi pangdisenyo.
- Layout! Layout! Layout! Humalaw ng maayos na layout online.
- Huwag isama ang mga magulang sa character reference pakiusap! Huwag din puro guro sa iisang programa.
- Hindi ka kukunin ng kumpanya kung namumutiktik sa typo at grammatical error ang CV mo, maniwala ka!
- Gumamit ng tamang font size at font style. Huwag gawing microprint at huwag din pang-tarpaulin.
- Huwag gawing all caps ang mga hindi kailangang naka-all caps. Use all caps sparingly.
- Spell out acronyms.
- Ipa-edit ang CV sa limang tao bago ipamudmod.  Maging responsable para hindi kahiya-hiya.
- Pormal dapat ang CV.
- Huwag basta maglagay ng character reference ng wala nilang pahintulot.
- Start with the most recent accomplishment or publication. Apply this to all your entries. 
- Huwag isama ang mga napanalunang spelling bee contest noong elementarya.
- Kumpletuhin ang mga entry lalo na ang mga symposia, fora at seminar na nadaluhan.  Makipag-ugnayan sa mga OC-OC para maalala ang mga ito.
- Observe parallelism. #standardize
- Hindi kailangang lagyan ng write up na parang year book ang CV pakiusap.
- Matutong gumamit ng tamang kapitalisasyon.
- Hindi kailangang lagyan ng numero ang mga entry.
- Gumamit ng wastong balarila.
- Ipa-edit. Ipa-edit. Ipa-edit.
- Huwag maglagay ng pagsasalarawang ikasisira mo bilang aplikante.
- Humalaw ng template online.
- Isama lamang sa tala ng research interest ang mga paksang aktwal na nagawan mo ng pananaliksik.
- Huwag hayaang sa CV pa lamang ay malaglag ka na sa proseso ng aplikasyon.

Booklet

Pages 1. alternative book cover 2. table of contents 2. definition of terminologies (5 entries) 3. social calligram (3 entries) 4. political...