Tuesday, June 23, 2015

Pagkain

- Masarap ang may karinderyang halal malapit sa bahay.
- Sariwa, mura, ligtas at masarap ang mga katutubong prutas na napapanahon dahil natural ang pagyabong.
- Kabaligtaran ng kaunlaran ang paglaganap ng mga fast food chain. Kaawa-awa ang mga inalipin ng kulturang fast food.
- Paunlarin ang mga likas-kayang pamilihan sa komunidad.
- Interesado akong talakayin ang food anthropology at food economics sa susunod na semestre.
- Nakapitas ako ng aratilis kanina. Bihira na ito katulad ng mansanitas. Samantala, nakakita rin ako ng kalumpit sa bangketa. Nakakapagsisi dahil nag-atubili pa akong bumili para matikman.
- Subukang maglaga ng sitaw, kalabasa at gabi na may kasamang pinitpit na luya. Mainam ito bilang detox food.
- Matutong magluto.  Maraming bagay ang iyong mauunawaan ukol sa kultura, kabuhayan at lipunan.

Booklet

Pages 1. alternative book cover 2. table of contents 2. definition of terminologies (5 entries) 3. social calligram (3 entries) 4. political...