Friday, October 16, 2015

Komendasyon para sa ARTernatibo

Freshies (Mindanao)
- pagiging komportable sa entablado sa kabila na ito ang una nilang sabak
- makabuluhang balik-tanaw sa kasaysayan ng Mindanao sa pamamagitan ng voice over*
- dialektikal na pagsasalarawan ng mga isyu sa Timog Pilipinas at paggamit ng kritikal na simbolismo
- pagsasalarawan ng pampolitikang ekonomya ng imperialismo at burukrata kapitalismo na umiiral sa bansa

Sophies (Luzon)
- paggamit ng "footlights"  :)
- ang mga bayaning mag-aaral sa likod ng flashlight at smoke machine :)
- masikhay, makabuluhan at ensayadong sabayang pagbigkas at sayaw-indak interpretatibo
- biyaya ng magagandang boses sa himig ng mga angkop na progresibong awitin
- mahusay na rendisyon ng awiting Dapat Bawiin #tears
- mahusay na pagdadalumat ng mga karakter sa political cosplay (golden rice, buoy, barbed wire)*
- PPT na tatak Jian Santos

Juniors (Visayas)
- mahusay na awiting pambungad  tampok ang kasaysayan at pakikibaka ng mga katutubong babaylan*
- mahusay na pagtatahi-tahi ng istorya tampok ang mga diwata at personipikasyon nilang mga alagad ng pagbabago
- kritikal na pagsasalarawan sa substruktura at superistrukturang nanaig sa Kabisayaan
- masining na pagbuo ng costume at props #yahoo #pagodanasaankana?
- nakakapanindig balahibong isa-isang pagpapakilala sa sarili ng mga karakter hanggang sa humantong ito sa isang malaking daluyong ng taumbayan*

________
*mga paborito kong bahagi


DS 112 e-booklet project based on the chosen book from the library (December 5)

   Convene the members of your book project. Be sure that you have read and studied your chosen material. Submit an e-booklet featuring/insp...