Monday, September 03, 2007

poverty tourism

  • mga palaboy na inabutan na ng liwanag ni haring araw
  • mga tinakasan na ng bait
  • mga tumatakas sa gutom (mga sumisisid ng tahong anuman liit pa nito)
  • mga magulang na ibinababad ang anak sa sangkutsadong dumi, heavy metals at alat ng manila bay (libre galis, libre sakit)
  • mga may karamdaman na nagkokondisyon ng katawan pero huli na para sa anumang lifestyle-modification
  • mga ka-berks ni manang yosi
  • mga under-paid na trahabador ng programang Linisin at Ikarangal ang Maynila
  • mga namimingwit ng mga isdang buwan-buwan at banak (at mga miron na animo'y isang tournament ang sinasaksihan)
  • mga masisikhay na ipis-dagat
  • mga basag-basag na brick inlays (sino kaya ang nakaisip na ito ang ilatag sa mga bangketa ng maynila?)

Booklet

Pages 1. alternative book cover 2. table of contents 2. definition of terminologies (5 entries) 3. social calligram (3 entries) 4. political...