- Idinadaing ng ilang Koreanong nag-aaral sa bansa na mas maliit ang kanilang hawak na pera ngayon kung ikukumpara noon dahil sa patuloy na paglakas ng piso laban sa dolyar.
- Ang isang Koreanong nag-aaral ng Ingles sa Pilipinas ay kumukuha ng 2-4 na tutors. Mas mura kasi ang edukasyon sa bansa kumpara sa US o Canada.
- Maraming kabataang Koreano ang lulong sa barkada at lakwatsa kaya naisasakripisyo ang pag-aaral.
- Tulad ng mga Pilipino, maraming Koreano ang nangangarap ding makarating at makapaghanap-buhay sa US. Isang preparasyon dito ay ang pag-aaral ng Ingles.
- Ang kasingkahulugan ng "ay naku" nating mga Pilipino ay "ayguya" sa kanilang wika.
- Napakahalaga sa mga Koreano ang paggalang sa mga nakatatanda. Nakapaloob ito sa kanilang wika at gawa.
- Ang mga Koreano ay karaniwang Buddhists, Christians at ang iba naman ay atheists.
- Park, Lee at Kim ang pinakakaraniwang apelyido ng mga Koreano.
- Inaakala ng maraming Koreanong hindi pa nakakarating sa Pilipinas na ang ating bansa ay puro puno ng niyog.
- Matindi ang takot ng mga Koreano sa ipis lalo na yaong mga lumilipad. Malalaki raw ang ipis sa Pilipinas kung ikukumpara sa kanilang bansa.
Saturday, November 24, 2007
Korean Invasion
DS 112 concept map on CPBI in/through MIL
Convene your group. Exercise collective leadership. Produce a concept map based on this assigned reading material: Employing Critical Place-...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
Tumutukoy ito sa suma-total na prosesong pangkaisipan mula sa kanyang pagkilos na panlipunan at pangkasaysayan (i.e., paggawa, ugnayang sosy...