Wednesday, September 30, 2009

random thoughts

  • Kung may trapo (traditional politicians), mayroon ding mga trabu (traditional bureaucrats). Ang mga trapong natapos ang termino at naitalaga ng pangulo sa mga kagawaran ay nagiging trabu. Samantalang ang mga trabung sumasabak sa eleksyon kapag nanalo'y nagiging trapo.
  • I-google at basahin ang Imeldifikong dehistorisasyon.
  • Dahil sa nakaraang delubyo ay lalong lumaki ang pagkakautang ng maraming tao sa iba't ibang institusyong pananalapi. Ginawa pa nga itong biro ng iba. Sila raw ay taga-London. Loan dito. Loan doon.
  • I-google at basahin ang Sa LBC ba o sa Post Office?
  • Sa pinakabulnerableng kondisyon ng masa (tuwing may kalamidad o digmaan halimbawa) nananamantala ang mga oportunista (imperyalistang bansa, korporasyon, politiko at iba pa). Feeding off other people's misery, ika nga. Disaster capitalism ang tawag dito ni Naomi Klein.
  • Lumalaganap ang disaster at grief tourism sa iba't ibang panig ng daigdig. Ito ay isang di-kumbensyunal na turismo kung saan ang sadya ng mga turista'y makiusyoso o makita ang epekto ng sakuna o kaya'y makidalamhati sa mga biktima.

Kasaysayan


"Kung walang kasaysayan, walang pag-uusig."

-Dr. Rolando Tolentino
Dean, College of Mass Communications

Agenda (Oct. 6, 7, 10)

  • NSTP - Face Off III
  • DS 123 - AVP on health and society
  • DS 127 - discussion and exam on golf tourism
  • Econ 151 - Face-Off on the Political Economy of Fiscal Policies
  • Econ 115 - Long exam on Economic 2009 book catalogue; submission of another dagli on IPE (Powerbooks)
  • DS 126 - submission of another dagli on modern management concepts and strategies in the Philippine public sector (equivalent to a long exam)

On social security

In light of the Typhoon Ondoy's impact on lives and livelihood, I sought the wisdom of former SSS president Corazon dela Paz about her definition of social security.

Here's her answer:

"Social security is a human right which enables a person to face/handle life's contingencies such as maternity, sickness, disability, unemployment, calamity, old age and death with a group such as family, a cooperative, a community, or a nation. There is no social justice without social security."

Tuesday, September 29, 2009

random thoughts

  • Karaniwang makikita sa Facebook o Multiply account ng mga kabataan (at 'di na gaano bata) ang kuha nila sa mga sikat na coffee shop. Karaniwa'y ibinubuyangyang pa talaga nila ang logo ng coffee shop habang lumalagok ng kape. Status symbol?
  • Kapansin-pansin din sa mga Facebook at Multiply account ng mga kabataan (at 'di na gaano bata) na marami sa kanila'y frustrated model. Nakagugulat lang minsan bagama't 'di naman ako tutol dito.
  • Usong-uso ang e-farming o virtual farming sa porma ng Farmville at Farm Town. Pinili kong aktwal itong gawin. Basahin ang "Part-time organic farmer" sa ibaba.
  • Google and read: Pagbabago para sa Pilipino ni Mong Palatino

Monday, September 28, 2009

Students who obtained the highest accumulated points so far

  • NSTP - Johd Carlos
  • DS 123 - Mansueta Paned
  • DS 127 - Bernadette Villaceran
  • Econ 151 - Joshua Bersamina
  • Econ 115 - Yfur Porsche Fernandez
  • DS 126 - Yfur Porsche Fernandez

random thoughts

  • Atrasadong teknolohiya ang ginagamit kung para sa interes ng bayan (nakararami), moderno naman para sa paniniktik, luho at kapakanan ng iilan.
  • Sinuong ko ang baha sa Taft noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Ang katumbas pala ng paghahanap ko ng paminsan-minsang "adventure" ay kamatayan sa ibang panig ng Luzon. Kalunos-lunos.
  • Walang pinipili ang hagupit ng kalikasan. Pero dapat bigyang diin na sadyang may mas bulnerableng sektor ng populasyon kaysa sa iba.
  • risk = threat + vulnerability

Sunday, September 27, 2009

Part-time organic farmer

Karaniwan kong naikukwento sa klase ang pinakabago kong interes - ang pagtatanim. Kailangan kong linangin ito sa tatlong dahilan: (1) para bawasan ang pagkonsumo ng artipisyal na pagkain, (2) para makatipid at (3) panlibang.
  • pechay (naani na pero may panibagong tanim)
  • upland kangkong (patuloy pa ring natatalbusan)
  • labanos (patuloy pa ring may naani)
  • tanglad (patuloy pa ring natatalbusan)
  • okra (patuloy pa ring may naani)
  • saluyot (patuloy na natatalbusan)
  • taheebo o balbas-pusa (patuloy pa ring natatalbusan)
  • carrot (malapit nang anihin)
  • repolyo (matagal-tagal pa bago maani)
  • talong (matagal-tagal pa bago maani)
  • pandan (mabagal ang pagyabong)
  • luya (matagal pa bago maani)
  • mustasa (kalilipat lang ng punla)
  • tubo (inuugatan pa lang)
  • sili (hindi maganda ang sibol)
  • kamatis (hindi maganda ang bunga)
  • sitaw ('di bumunga dahil 'di naaarawan ng sapat)
  • paayap ('di rin bumunga dahil 'di naaarawan ng sapat)
  • at iba pang gulay (kalabasa, kamote), halaman gamot
    (oregano, peppermint, kataka-taka, atbp.), at pampalasa
    (Italian oregano, coriander, atbp.)

Paalala (May mga pagbabago)

Papatapos na ang semestre. Bumawi ang mga dapat bumawi habang hindi pa pinal ang grado.
Narito ang takdang araw ng distribusyon ng class card para sa mga klase ko ngayong semestre.
NSTP (Development and Social Change) - Okt. 13 (Martes)
DS 123 (Health and Society) - Okt. 13 (Martes)
DS 127 (Human Ecology and Development) - Okt. 13 (Martes)
Econ 151 (Public Finance and Development) -Okt. 13 (Martes)
Econ 115 (Philippine Economic History) - Okt. 14 (Miyerkules)
DS 126 (Politico-administrative Institutions and Behavior) - Okt. 10 (Sabado)

Sa mga araw ding ito nakatakda ang huling pagsusulit.

Thursday, September 24, 2009

Desperado

Noong 1998, tambalang JDV-GMA ang pambato ng Partidong Lakas. Ginawang panghatak ang noo'y popular pang si GMA para palakasin ang kandidatura ni JDV laban sa sikat na sikat na si Erap. Noong 2004, GMA-Noli naman ang binuong pares para samantalahin ang kasikatan ni Noli at ipantapat sa alyansang FPJ-Loren. Ngayong 2010, pinaplano ang pormulang Gibo-Vilma para sa parehong layunin. Tama si Jessica Zafra sa aklat niyang Pinoy Elections: A Guide for the Dismayado. Aniya, "Elections are essentially popularity contests couched in noble terms." Totoo ito lalo na sa administrasyon.

Tuesday, September 22, 2009

Agenda (Sept. 25, 26)

  • NSTP - Face-Off II
  • DS 123 - film viewing on health and society; dagli submission
  • DS 127 -preliminary discussion on mainstreaming
    environmental advocacy in community organizing
  • Econ 151 - panel discussion on Charity Politics in the Philippines
    (Paumanhin po sa laging pagkaantala)
  • DS 126 = pasahan ng dagli ukol sa anumang konsepto o teorya ukol sa modernong pamamahala at ikonteksto ito sa lipunang Pilipino (Sumangguni sa mga materyales sa silid-aklatan)

Sunday, September 20, 2009

Teleserye sa politika kamakailan

  • Mala-teleserye ang istilo dati ng political ad ni Villar sa paraan ng isang panayam sa kanya ni Boy Abunda. Ang pagpapalabas ng panayam ay binibitin saka susundan kinabukasan hanggang sa mabuo ang istorya (drama).
  • Ganoon din ang paraan ng tambalang Noynoy-Mar. Umatras si Mar sa karerang pampanguluhan. Tinanggap naman ni Noynoy ang hamon. Tsaka pumayag si Roxas na siya ang magiging kandidato sa pagkabise-presidente. Ginawa ito sa magkakaibang araw para mas madrama.
  • Dramarama rin ang ginawa ni Lacson sa kanyang kaba-kabanatang pasabog laban kay Estrada.

Wellness bandwagon?

  • A coffee brand offers a new set of what it calls 'Pro-Health' variants namely Pro-fiber (with Inulin fiber), Pro-power (with ginkgo biloba), Pro-beauty (with collagen) and Pro-slim (with L-carnitine).

  • Another more established coffee brand has its own 'Body Partner' selection namely Protect (more antioxidant), Fit (helps in weight management), Relax (with chamomile extract) and Lingzhi (with ganoderma extract).

  • An international college in Taguig offers a certificate course in wellness (and yes, believe it or not, pageantry)

  • A fastfood chain now serves breakfast oats.



Saturday, September 19, 2009

Paalala

  • NSTP - AVP on globalization (Sept. 29 Tues)
  • DS 123 - AVP on health and society (Sept. 25 Fri)
  • DS 127 - AVP on sustainable development (Oct. 2 Fri)
  • Econ 115 - dagli ukol sa (i) IPE, (ii) isyu sa paggawa, (iii) updated CV (Sept. 23 Wed)
  • DS 126 - dagli ukol sa anumang konsepto o teorya ukol sa modernong pamamahala at ikonteksto ito sa lipunang Pilipino (Sept. 26). Sumangguni sa mga materyales sa silid-aklatan.

Pag-aaral Pangkaunlaran

Ang siyentipikong pag-aaral ng kahirapan at pag-unlad ng lipunan ay napakahalaga lalo na sa mga atrasado at papaunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas. Sa katotohanan, kailangan ng bansa ng maraming iskolar at praktisyuner sa larangang ito ng Agham Panlipunan. Masyadong kumplikado ang katangian ng kahirapan at pag-unlad na tanging mga multidisiplinal na kurso lamang ang higit na makasusuri at makatutugon. Matagal nang nagsimula ang kilusang ito sa Europa at lumalaganap na rin sa atin. Ang pagkakaiba'y mas binibigyang diin ng Development Studies Program ng UP Manila ang tunay na repormang agraryo, pambansang industriyalisasyon at pampolitikang edukasyon bilang lunsaran at pamantayan ng ganap na kaunlaran. Ang kursong Development Studies ay maituturing na alternatibo sa mga tradisyunal na kurso dahil sa alternatibo nitong praktikum, alternatibong estratehiya at programa sa pag-unlad at iba't ibang alternatibong paraan ng pagtuturo at pag-aaral sa pamamagitan ng ACLE, ARTernatibo, Development Forum, tanghal-tula at iba pa.

Pagpapakete


Upang pataasin ang tyansa ni Gibo sa mga susunod na sarbey, ginagamit ng kampo niya ang mga sumusunod na taktika:
  • inihahanay siya sa mga kapwa n'ya batang kandidato tulad ni Chiz
  • binibigyang diin na pinsan s'ya ni Noynoy
  • itinatampok ang kanyang kwalipikasyon pang-akademiko
  • pinapalabas na malakas ang suporta n'ya mula sa mga lokal na gobyerno
  • ikinukumpara s'ya kina Magsaysay at Ramos na kapwa naging lunsaran ang pagiging kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (DND)

NSTP Face-Off II (Sept. 25)

  • Legality of Erap's second presidential bid
    Affirmative: De Leon*, Pabito
    Negative: Julienne Lomocso*, Julynnie Lomocso

  • Reproductive health bill
    Merits: Julao*, Medidas
    Demerits: Joven*, Hizola

  • Neoliberal globalization
    Merits: Rosal*, Corrales
    Demerits: Somera*, Pojas

    -------------------------------------------------------------------------------
    *speakers
    podium: Soriano
    malong: same set of students
    simple banner entitled SAGUPA: Pampulitikang Ekonomya ng mga Panlipunang Usapin - Prudenciano, Reyes, Rojales

Friday, September 18, 2009

Agenda (Sept. 22, 23)

  • NSTP - graded recitation about contemporary Philippine political affairs
  • DS 123 - long exam on Magna Carta for Public Health Workers
  • DS 127 - preliminary discussion on mainstreaning environmental advocacy in community organizing
  • Econ 151 - panel discussion on Charity Politics in the Philippines
  • Econ 115 - ACLE on Ekonomya't Lipunan (Industry Situationer in the Philippines)
    (We'll start at 8 AM so that we'll finish earlier. I need to attend a faculty exchange which I thought was scheduled last week. I apologize for the inconvenience.)

Dr. Isidro Sia on chronopharmacology


Q: I read a short article about chronopharmacology*. In connection with this, what time of the day would you recommend me to take my multivitamins?


A: Vitamin C and the other nutrients are best taken from fruits, vegetables and other food. I only advise supplements for my diabetic patients who may have restrictions in their food intake, the elderly, pregnant and others who may have increased need for certain nutrients that may not be provided by their ordinary diet.
Chronopharmacology may be applied in the intake of some drugs - for example, antihypertensives are best taken in the morning to address the blood pressure peaks at that time of day.



_________________________________________________
*Chronopharmacology = field of medicine that deals with
how the effects of drugs vary with biological rhythms (Kim Gargar)

random thoughts

  • Matapos salaulain ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining kamakailan, isa namang iginagalang na Pambansang Alagad ng Sining ang ngayo''y tinitiktikan ng estado.
  • Mahirap magtiwala sa kandidatong ginagawang negosyo ang politika at pinupolitika ang negosyo.
  • Totoong may mga upahang taga-simbahan para manira ng oposisyon. Buti't walang naniniwala sa kanya.
  • Mahal ang magkaroon ng trabahong hindi mo talaga hilig dahil upang mapunan ang saya ay maaaring idaan ito sa mga di-makatwirang luho (mamahaling kape, mamahaling gamit, mamahaling paglilibang at iba pa). Sa kadulu-duluha'y walang ipon. Mayroon ma'y pampaospital lang ng tatlong araw.
  • Ang mga sectoral regent tulad ng Faculty Regent, Student Regent at Staff Regent ay dapat manatiling Faculty's Regent, Student's Regent at Staff's Regent. Samakatwid, dapat silang magsilbi bilang mga People's Regent o mga tunay na kinatawan ng mga sektor. Ang mga posisyong ito'y hindi kailanman dapat ipagkatiwala sa katotohana'y mga "manok ng at himod-tumbong sa administrasyon".

Wednesday, September 16, 2009

random points

  • sustainomics = sustainable development + economics
  • print-on-demand and e-publishing = new trends in publishing
  • Ramon Magsaysay and Fidel Ramos = former defense chiefs who who became Philippine presidents
  • 2010 Philippine elections = another public spectacle and a popularity contest where candidates will be out-cheating each other in order to win
  • barangay = village
  • sitio = subvillage

Heroism

A couple of days ago, a junior student texted me to inquire about my definition of heroism. Here's my short reply:

Heroes usually emerge during periods of struggle. I consider as heroes those people who despite their vulnerable condition are able to empower themselves and transform their communities into better political and economic order.

Q&A

Tanong: Ano po ang limitasyon ng pagiging issue-based lamang?

Sagot ni Doc Ed:

Ang limitasyon nito ay nakikita mo lamang ang puno, hindi ang gubat. Ang ibig sabihin ay kailangang malaman ang relasyon ng mga uri sa subistruktura (ekonomya) at batay dito matanto kung anong klase ng pulitika at kultura ang lumalabas sa partikular na lipunan. Ang mga puno ay tumutukoy sa mga isyu samantalang ang gubat naman ay ang kabuuang pampolitikang ekonomya ng isang lipunan o ang dyalektikal na interaksyon ng subistruktura (ekonomya o materyal na kondisyon) sa superistruktura (politika, kultura). Ang issue-based analysis ay kadalasang walang class analysis.

Sunday, September 13, 2009

DS 126 tasking

  • Alfonso and Becina (JC de los Reyes)
  • Amog and Garino (Nicanor Perlas)
  • Angeles and Baquiran (Manny Villar)
  • Arroyo and Barrios (Noynoy Aquino)
  • Atienza and Rentoria (Erap Estrada)
  • Binuya and Angelica Fernandez (Jejomar Binay)
  • Barron and Bendo (Loren Legarda)
  • Bruselas and Cauton (Chiz Escudero)
  • Camunay and Canamo (Bayani Fernando)
  • Eguico and Elefan (Ed Panlilio)
  • Yfur Fernandez and Villanueva (Gilbert Teodoro)
  • Gamao and Martinez (Eddie Villanueva)
  • Guinto and Manlangit (Jamby Madrigal)
  • Mateo and Palattao (Noli de Castro)
  • Onanad and Politud (Dick Gordon)
  • Rosales and Tan (Panfilo Lacson)
  • Sagnip and Tecson (Mar Roxas)
  • Alysa Fernandez and Palomares (GMA)


    -Isinama natin sa tala ang mga kasalukuyan, dating nagpahayag at hinihinalang interesado pa ring maging pangulo ng bansa.
    -Itala ang kanilang mga kalakasan, kahinaan, mga kontrobersyang kinasasangkutan at maging ilang trivia ukol sa kanila.
    -Ipasa sa pamamagitan ng e-mail (jnponsaran@yahoo.com) bago mag-alas-dose ng tanghali sa darating na Biyernes.
    -Magsaliksik mabuti. Maaaring isulat sa Ingles o Filipino.
    -Ipagbigay-alam ito sa iba. Salamat.

Agenda (Sept. 15-16)

  • NSTP - Political Economy of Public Policies (Face-Off)
  • DS 123 - AVP viewing on health and society
  • DS 127 - sharing of insights about garbology
  • Econ 151 - panel discussion on charity politics in the Philippines (GMA's Pantawid Pamilya Program)
  • Econ 115 - political economy of work and industrial relations (We'll start at 8 AM as I have to attend a faculty exchange later that morning)

    Note: Sept. 18-19 No session

Wednesday, September 09, 2009

Agenda (Sept. 10-11)

  • NSTP - No session. Attend OSA's DS career orientation
  • DS 123 - AVP viewing on health and society (Kindly ensure the compatibility of the file with the available equipment)
  • DS 127 - graded recitation and discussion on garbology
  • Econ 151 - long exam on current issues pertaining to Philippine public finance
  • DS 126 - ACLE ukol sa Eleksyon, Politika at Lipunan (Ikalawang bahagi)

Forwarded text joke

Public viewing sa labi ni Cory...

Reporter: Mr. Estrada, kung si GMA ang namatay, sa tingin n'yo po ba ganyan din karami ang taong dadalo?

Estrada: Naku, mas marami pa!

Reporter: Bakit n'yo po nasabi?

Estrada: S'yempre gusto ng tao masiguro na patay s'ya.

Econ115 Ekonomya at Lipunan ACLE (Sept. 23)

  • Milk Industry (Bruselas and Cauton)
  • Egg Industry (Meneses and Rosales)
  • Halal Food Industry (Advani and Villanueva)
  • Water Industry (Honrade and Angeles)
  • Generic Drugs Industry (Belgira and Elefan)
  • Private Legal Services Industry (Eguico and Fernandez)
  • Knowledge Process Outsourcing Industry (del Carmen and Martinez)
  • Payment Outsourcing Industry (Hechanova and Lara)
  • Retirement Village Industry (Concepcion and dela Cruz)
  • Health Insurance Industry (Caranto and Mayoca)
  • Sex Industry (Illescas and Morelos)

    Maan, Yfur - equipment, podium
    Janno - banner
    Dyan - timer

Monday, September 07, 2009

Econ 115 Dagli IV

Bumuo ng isang dagli ukol sa karanasan ng ibang tao sa paghahanap-buhay. Tiyaking may bago TAYONG kaalamang matutunan mula rito. Maaaring isulat ito sa paraang pagsasalarawan, pagsusuri, paghahambing o dekonstruksyon. Ipasa ngayong Miyerkules kasabay ng inyong CV. Ipagbigay alam ito sa iba. Salamat.

Sunday, September 06, 2009

Tagubilin

  • Lahat: BABALA SA MGA MALIMIT LUMIBAN SA KLASE.
  • DS Seniors: TAPUSIN ANG THESIS PROPOSAL.
  • NSTP: Sa Sept. 11 ang pasahan ng ikalawang matrix, sa Sept 29 naman ang globalization AVP (globalization of labor, capital, technology, information, media, culture, migration, terrorism, diseases, etc.)
  • DS 123: Naunang napanood ang panayam ng pangkat ni Yfur Fernandez kay Dr. Jaime Galvez-Tan ukol sa Ethical Recruitment System, sumunod ay ang panayam ng pangkat nina Kris Anne Villanueva kay Prof. Laufred Hernadez ukol naman sa Anthropology of Hunger. Tiyaking matatapos din ng iba ang kani-kanilang AVP.
  • DS 127: Tiyakin na makapagpapasa ang lahat ng AVP script sa darating na Martes.
  • Econ 151: Magbasa ng mga napapanahong isyu ukol sa public finance sa bansa. Baka may 'di inaasahang maganap sa Biyernes.
  • Econ 115: Basahin ang Call of the Call Center Agents ni Rep. Raymond Palatino
  • DS 126: Pagbutihin ang ikalawang bahagi ng talumpati para sa ACLEng Eleksyon, Politika at Lipunan.

Saturday, September 05, 2009

random points

  • Polytechnic University of the Philippines (PUP) = former Philippine College of Commerce (PCC)
  • intra-elite transfer of and contestation for power = main character of elite democracy according to Prof. Roland Simbulan
  • Quezon City = most populous city in the country
  • Linguistics = scientific study of language (Dr. Tess Guanzon-De Guzman)
  • Precycling = practice of reducing waste by limiting and rationalizing consumption (Clarice Crisostomo)

Agenda for Sept. 8-9

  • NSTP - graded recitation (current Philippine political affairs)
  • DS 123 - AVP viewing on health and society (continuation)
  • DS 127 - graded recitation by way of sharing of insights about garbology
  • Econ 151 - panel discussion on alternative health financing in the public sector (1st part: situationer, 2nd part: alternative financing) - 1 hour
  • Econ 115 - public forum on Political Economy of Work - 45 mins
    (Advani, Angeles, Belgira, Bruselas, Caranto)
    -public forum on Industrial Relations 101 - 45 mins
    (Cauton, Concepcion, dela Cruz, del Carmen, Eguico)


Thursday, September 03, 2009

DS 126 ACLE ukol sa eleksyon, pulitika at lipunan

Bawat pares ang magpapasya kung sino sa kanila ang tatayong tagapagsalita sa Sabado. Tiyaking kapwa nag-ambag sa pagbuo ng talumpati. Bawal maging pabigat. Pagbutihin ang pagsasaliksik at pagsusulat ng talumpati, maging ang pagbuo ng katambal na presentasyong biswal sa porma ng PPT. Pormal ang isusuot na damit ng tagapagsalita. Magsisimula sa ganap na 8:10 n.u. ang programa. Tiyakin ding may dalawang kopya ng talumpati. Isa para sa magbabasa at isa naman para sa akin. Ensayuhing mabuti ang talumpati at dapat tama ang mga impormasyon at kritikal ang mabubuong diskurso. Ilimita lamang sa 6-8 minuto ang talumpati. Si Janno at Yfur ang nakatoka sa entablado. Si Maan naman sa mga kagamitan (laptop, LCD, at iba pa). Samantala, si Kris Anne naman ang taga-oras. Ipagbigay-alam ito sa iba. Salamat.

***Aking iniimbitahan ang ibang mag-aaral na dumalo sa ACLEng ito.


BASAHIN: The Call of Call Center Agents by Rep. Raymond Palatino

http://kabataanpartylist.com/blog/the-call-of-call-centers/

Wednesday, September 02, 2009

Agenda (Sept. 4, 5)

  • NSTP - 3rd long exam on Philippine contemporary political affairs
  • DS 123 - AVP viewing on wellness, illness and society (part 2)
  • DS 127 - submission of the AVP script on sustainable development, please arrive on time
  • Econ 151 - library work on government finance and development finance
    (Sa araw ng klase ipagbibigay-alam ang tagubilin)
  • DS 126 - ACLE ukol sa Eleksyon, Pulitika at Lipunan (Kahalili ito ng midterm exam)

Tuesday, September 01, 2009

random points and links

SS 120 science communication speech (Nov 26)

Deliver an  original  speech about your assigned topic. Limit the speech to   three minutes only . Introduce yourself properly. Provide an  ...