Sunday, August 19, 2012
Para sa mga DS alumni 2012
Bago ang lahat, ipinapaabot ko ang aking pagbati at pakikiisa sa mga bagong henerasyon ng propesyonal.
Apat na taon na ang lumipas simula nang kayo ay pumasok sa pamantasan ng bayan sa kursong Araling Pagkaunlaran. Inaral natin ang dialektika ng lipunan at pagbabago.
Ngayon naman ay nagsisimula na kayong bumuo at magtaguyod ng kanya-kanyang career sa iba't ibang larangan tulad ng human resource development, environmental research, policy development, medical studies, international studies, transnational crime research, market research, capital market development, business management, community organizing, social welfare, local government, women's health research and advocacy, at iba pa gawaing pangkaunlaran. Gayundin, nagpapatuloy sa mga larangang ito ang dialektika ng buhay. Kaya inaasahang taglayin pa rin ninyo ang lawak ng kaisipan, kritikal na pagsusuri, at tatag ng karakter na nahubog at nilinang ninyo sa pamantasan. Magiging salalayan at sandigan ninyo ito magbago-bago man ang karanasan, konteksto at kapaligiran sa trabaho.
Balikan ang mga konsepto, teorya at mga kasanayang natutunan sa loob at labas ng klase. Ilapat sa konteksto ng inyong mga bagong karanasan ngayon. Gayundin, humalaw ng mga bagong kaalaman mula sa inyong kasalukuyang mga karanasan at imungkahi sa akin para sa integrasyon nito sa kurso. Sa pamamagitan ng ganitong ugnayan sa pagitan ng kaguruan at alumni ay magpapatuloy ang pagiging buhay, dinamiko at napapanahon ng Araling Pangkaunlaran sa antas ng teorya at praktika.
Maraming salamat at hanggang sa muli....
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...