- Bilang mga mag-aaral ng lipunan, dapat ay mayroon tayong photo bank ng mga orihinal nating kuhang larawan ukol sa kultura, kapaligiran, politika at ekonomiya ng Pilipinas. Pansinin ito: Kadalasan ay kumpleto ang isang mag-aaral ng kuha ng kanyang mukha sa lahat ng anggulo nito gamit ang mga modernong teknolohiya. Subalit kung mag-uulat sa klase, kadalasan ay nakukontento na lamang gumamit ng mga downloaded na larawan. Sayang ang kamera kung hindi ito imamaksimisa bilang isang research tool. Pero siyempre, may mga kaakibat na konsiderasyong etikal ang photography lalo na kung ang tampok na paksa ay ang mga marhinalisado sa lipunan at konsiderasyong pangkaligtasan kung ukol sa mga mapapanganib na usapin.
- Subukang gumawa ng political sociogram sa inyong lugar at batay rito ay malalantad kung gaano kalala ang dinastiyang politikal sa inyong lokalikad at ang magiging implikasyon nito sa nalalapit na halalan.
- May nakatakda akong talakayan sa isang pribadong paaralan sa probinsya ukol sa mga napapanahong isyung pangkaunlaran kasama ang mga mag-aaral sa ika-3 at ika-4 na taon. Sana ay maging bukas din sila sa mga alternatibo at kritikal na pagsusuring ibabahagi ko.
- Sa lahat ng mga mag-aaral ng DevStud: Itala sa sangkapat (1/4) na papel ang mga asignatura ninyo noong nakaraang semestre, gradong nakuha, propesor na humawak ng klase at GWA. Ipasa sa mga itinalaga kong tagapag-ugnay para mailagay sa aking pigeon hole ng magkakasama.
Freshies: Bruel
Sophies: Basco
Juniors: Raymudo
Seniors: Prudenciano - Isang artikulo na pinamagatang Waste Collection Events: Reducing Garbages and Conserving Resources ang aking isinulat para sa Natural Economics section ng isang babasahin. Tampok dito ang kahalagahan ng electronic waste recycling. Wika nga ni Graham Davy, "It is 65% more energy efficient to reuse copper than use copper smelted from virgin ore."
Monday, October 29, 2012
random points
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...