- Unti-unti nang lumalaganap ang paggamit ng paper straw para sa mga inumin. Alinsunod ito sa pagpapatupad ng plastic ban.
- Sa halip na street kids ay street dogs ang napiling pakainin nang libre ng isang pet lover bilang kawanggawa. Katwiran niya ay para matuto raw ang mismong mga komunidad at sambahayan na magmalasakit sa mga hayop.
- 3 dulog (approach) sa pagtuturo: (1) theory-oriented
, (2) policy/action/project-oriented at (3) mixed method. Madami ang nabahura na lamang sa unang dulog. - DS 100 (Development Theories) at DS 112 (Third World Development) ang kauna-unahang mga asignaturang itinuro ko sa UPM bilang lecturer. Si Dr. Villegas ang inabutan kong program head at si Prof. Mangubat naman ang department chair.
- Tanong ng isang mag-aaral na nagsasaliksik: Paano kung nagsulat ka ng inaakala mong orihinal na ideya mo pero pagmamay-ari o naisulat na pala ng iba?
Sagot ng isang propesor ng Social Research: Maiiwasan ang pagkakamaling ito sa pamamagitan ng Review of Related Literature (RRL). Responsibilidad ng isang mananaliksik na alamin kung may nauna nang nakapagdalumat (conceptualize) o nakapagsulat nito sa pamamagitan ng masusing RRL. - Kapag may mga mag-aaral na iresponsable at tamad sa klase ay nalulungkot ako para sa tatlong tao:
-para sa kanya mismo
-para sa kanyang (mga) magulang
-at sa ibang gusto ring makapag-aral sa UP na mas karapat-dapat sa kanya. - Salamat sa mga kaibigang DS alumni na patuloy na nagbabahagi sa akin ng kanilang mga bagong kaalaman at karanasan sa trahabo at masterado. Makatutulong ang mga ito para mas maging makabuluhan ang kursong DS.
Sunday, November 11, 2012
random points
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...