Ang mga kooperatiba ay kabilang sa ikatlong sektor ng ekonomya na tinatawag ding social economy. Bilang halimbawa ng social economy, ang mga kooperatiba ay may dalawang pangkalahatang layunin - pangkabuhayan at panlipunan. Samakatwid, bukod sa layunin nitong kumita (revenue-generating) ay hangarin din nitong maging makatarungan, makabayan, makapamayanan at makakalikasan. Sa partikular, napakahalaga ng mga agrikultural na kooperatiba sa pagpapaunlad ng mga komunidad sa mga pook rural at rehiyong pansakahan sa bansa. Pinapahigpit nito ang integrasyon ng mga sektor sa lokal na ekonomya at mga mamamayan sa isa't isa. Pinagtitibay rin ng mga institusyong ito ang proseso ng pagsasakapangyarihan (empowerment) ng mga batayang sektor sa larangang pangkabuhayan at pampolitika.
Subalit maraming alalahanin ang mga kooperatiba na banta sa patuloy nitong paglaganap, pag-unlad, at pagiging likas-kaya (sustainable). Isa rito ay ang pwersa ng globalisasyon (corporate-led globalization) na labis na nagbubukas sa pambansang pamilihan sa pagdagsa ng dayuhang produkto kumukompitensya sa lokal na kalakal ng mga kooperatiba at mga marhinalisadong magsasaka na miyembro nito. Ikalawa ay ang malawakang pagpapalit-gamit ng lupa (land-use conversion) na nagpapababa ng produktibidad sa sakahan. Kaakibat nito ang pananakot, panunuhol at manipulasyon ng power elite sa mga magsasaka upang kanilang iabandona ang kanilang malaon nang pakikibaka para sa karapatan sa lupa at kabuhayan. Ikatlo ay ang pagkasangkapan ng mga trapo at trabu* sa mga bogus na kooperatiba para sa pangungurakot at iba pang porma ng katiwalian. Ninanakaw ang dapat na lehitimong tinatamasa ng mga batayang sektor. Wika nga, "Corruption is the redistribution of wealth from the poor to the rich."
Bagamat dapat ay noon pa, sumali ako kamakailan sa isang lokal na kooperatiba. Makatutulong ito upang higit kong maunawaan ang pampolitikang ekonomya ng kooperatiba at ang papel nito sa dialektika ng pag-unlad. Sana maging mabunga ang karanasang ito tungo sa pagbabago. #push
_________
*traditional politicians, traditional bureaucrats
DS 112 recorded speech (alternative theories and approaches)
Present a recorded 3-minute speech about your assigned topic. Situate it in the context of the Global South. Provide an appropriate title. P...
-
kakayahan = n. ability, capability kakanyahan = n. individuality, identity Source: Prof. Amante del Mundo
-
deconstruction of pizza pie by DiwangPalaboy (pls. remember polysemous* ang maraming bagay) *multiple meaning at first i was afraid...
-
1. Provide an appropriate title for the brochure. 2. Include the names of the group members. 3. Provide in-text citations (DS 112). 4. Avoid...