Thursday, March 06, 2014

Food activism - updated

Bumusa ang militanteng chicharon,
fish fillet at liempo.
Tumilamsik ang nanghihimagsik na juice ng manga,
four seasons at guyabano.
Bumuhos ang mainit na sabaw,
mantika't sarsa.
Gumulong ang naninindigang donut,
brownies at ensaymada.
Namaga ang nagngangalit na spaghetti, pansit canton at longganisang Lukban.
Kasabay ng nag-aalab na damdamin at bagong hasang kamalayan.
Lahat ng ito sa iisang direksyon
Tungo sa rebolusyon ng sikmura.

#gutomsapagbabago